KAMAKAILAN ay napaulat ang pagkatuklas ng awtoridad sa mga nakaimbak na gulay sa isang warehouse sa Navotas City.
Nang suriin ang mga ito ng mga eksperto, nadiskubreng kontaminado ng lead at e-coli na maaaring nakuha sa pagbiyahe at sa mga gamit na pagkarga sa mga ito.
Kung ang mga gulay na ito ay nailagay sa merkado, aba, delikado sa kalusugan.
Lalo na’t kung puslit ang mga gulay na karamihang ikinakalat sa mga talipapa at mga palengkeng kadalasang ang namimili ay maralita.
At dahil gulay, karamihan sa mga nais itong ipang-ulam ay nakatatanda na nag-iingat sa kalusugan.
Subalit dahil sa insidente, hindi pa rin nakapag-iingat sa pagkain ng gulay lalo na’t mayroong kasama ng natagpuan na kontaminado ay nailabas na sa merkado.
Kaya naman pinakamabisang gawin, linisin at hugasang mabuti ang gulay at iba pang pagkain bago lutuin at ihain sa hapag.
Mas mabuti nang maging maingat kaysa anihin natin ang sakit sa susunod na mga araw.