CAMP CRAME – SENTRO ng talumpati ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na si Deputy Director General Ramon Apolinario sa Ika-120 Taong Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na hangad nila na maging malaya ang mamamayang Filipino mula sa kapahamakan at masasama.
Ang pagdiriwang na may temang “Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan” ay sinimulan sa pamamagitan ng flag raising sa loob ng Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City dahil sa masamang panahon.
Sa kanyang talumpati, pinayuhan ni Apolinario ang mga kabaro na magsilbi nang tapat at bantayan ang mamamayan laban sa masasama at tiyakin ang seguridad ng mga ito na kabilang mandato.
Aniya, ang pagtugon sa tungkulin ng mga pulis ay dapat maging marangal at sa malinis na paraan.
Dapat din aniyang umiwas sa masamang gawain ang mga pulis upang pagkatiwalaan at anihin ang respeto.
Si Apolinario ang kasalukuyang pinuno ng Deputy Chief for Administration. EUNICE C.
Comments are closed.