PINAPAALALAHANAN ng regional office ng Department of Health (DOH) ang mga residente ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na maging maingat at panatilihin ang kalinisan upang makaiwas sa typhoid fever.
Ito’y matapos makapagtala pa ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng 68 kaso ng typhoid fever sa rehiyon.
Batay sa ulat ng RESU, ang Laguna ang nakapagtala ng pinakamataas na incidence ng typhoid fever na may 30 kaso, kasunod ang Cavite na may 26 kaso, Rizal na may anim na kaso at Batangas na may isang kaso.
Ipinaliwanag nito na bagamat mayroon namang pagbaba ng mga kaso ng sakit, kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, kung kailan nakapagtala ang RESU ng 191 kaso, ay kailangan pa ring maging maingat ng mga mamamayan laban sa naturang nakamamatay na karamdaman.
Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Medical Technologist, Kimberly B. Cu, ang typhoid fever ay karaniwang nakukuha sa mga lugar na mayroong poor hygiene at sanitation at kulang din sa safe drinking water source.
“If you are unsure of the quality of the water, especially those taken from deep wells which are untreated, it is best to boil it for at least 2 minutes to kill bacteria,” aniya.
“Also avoid eating unsanitary street-vended food as they are commonly exposed to insects and various environmental elements. When eating raw fruit and vegetables wash them thoroughly with clean water,” aniya pa. “Essentially, wash hands properly with soap and water before and after eating and also after using the toilet as it is the best way to control infection.”
Nabatid na ang typhoid ay isang infectious disease na dulot ng bacteria na Salmonella typhi at naihahawa sa pamamagitan ng fecal oral route o sa pagkonsumo ng pagkain at tubig na kontaminado ng bacteria.
Ang taong may typhoid fever ay dumaranas ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina, kawalan ng ganang kumain, nagtatae o di kaya ay dumaranas ng konstipasyon.
Pinayuhan naman ni Cu ang mga residente na kung ang kanilang kaanak ay nakikitaan na ng ganitong sintomas ng sakit ay kailangan na itong dalhin kaagad sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.
Ani Cu, ang tanging epektibong lunas lamang sa naturang karamdaman ay antibiotics gaya ng ciprofloxacin para sa mga non-pregnant adults at ceftriaxone naman para sa mga buntis na pasyente.
Makabubuti rin kung bibigyan ng maraming tubig ang mga ito upang ma-rehydrate sila. Ana Rosario Hernandez
928747 707053You produced some respectable points there. I looked on the internet for the issue and identified a lot of people will go along with with your website. 30800
120061 369441It is really a cool and useful piece of details. Im glad that you shared this useful info with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 271027
469708 292140I admire your function , regards for all the valuable blog posts. 283450