Maging malusog ngayong tag-araw

Kaye Nebre Martin

Tag-araw. Panahon ng pagsosoot ng mga seksing damit lalo na kapag naliligo sa beach. Nakakatukso ring magpuyat dahil napakainit ng panahon. Masarap mamasyal sa park, kumain sa labas at maglakwatsa. At lahat ng iyan, hindi healthy. Kasi, kadalasan, fastfood ang target natin kapag kumakain sa labas. May ilan tayong tips para manintene ang ating kalusugan ngayong tag-araw.

Una na diyan ang pagbabantay sa tibang mo. Habang tumatanda, kinakailangang naayon ang timbang mo sa iyong taas at edad. Ang pinag-uusapan dito ay ang body mass index (BMI) na kapag hindi nabantayan ay magiging sanhi ng maraming seryosong sakit tulad ng sakit sa puso, high blood pressure, stroke, at diabetes. Ingatang tumaba ng sobra.

Paano kwentahin ang BMI? Simle lang. Ang formula ay BMI = kg/m2 kung saan ang kg ay timbang ng tao at ang m2 ay height in metres squared. Kapag ang BMI ay 25.0 o higit pa, ikaw ay overweight at healthy naman kung 18.5 hanggang 24.9. Para mamintene ang tamang timbang, balansehin ang kinakaing calories. Ang calories ay sukat ng enerhiya sa pagkain. Kung gusto mong magbawas ng timbang, kailangang gamitin ang calories mo.

Iwasan ang junk foods. Mas healthy ang diet mo, mas matagal kang mabubuhay. Makakaiwas ka sa obesity, heart disease, type 2 diabetes, at cancer. Basahin ang food labels at iwasan ang maraming sugar content, sodium at fat.

Mas mabuti kung makakapaghanda ng healthy snacks and meals sa bahay. Mas okay ang lean meat na konti lang ang taba. At huwag na huwag kang papalya sa pagkain. Kapag nagutom, kumain ka.

Pilin ang isda, manok, beans, at nuts. Bawasan ang red meat and cheese; bacon, cold cuts, at iba pang processed meats. Damihan ang kain ng whole grains at bawasan ang kanin at white bread. Hangga’t maaari, iwasan ang ham, tocino at iba pang processed foods.

Makabubuti rin kung meron kang multivitamins, pero kung tama at balanse naman ang pagkain mo, hindi na iyan kailangan. Ang primary role ng multivitamin ay para punan ang nutritional gaps, at para masigurong nakukuha natin ang daily allowance ng underconsumed nutrients tulad ng vitamins A, C, D, E at K, calcium, magnesium, dietary fiber, choline at potassium.

Huwag kalilimutang uminom ng maraming tubig. Atubig ang pinakamabisang gamot sa lahat ng sakit, at wala pa itong calories kaya hindi nakakataba. Kailangan ng katawan ang proper hydration para magkaroon ng sapat na enerhiya, makatulog ng maayos sa gabi, magkaroon ng magandang balat, mas okay na immune system, m, at syempre, pag busog ka sa tubig, hindi ka na gaanong makakakain ng marami.

Kung mahilig kayo sa matatamis na inumin, mag-ingat. Oo nga at masarap ito, pero sa totoo lang, dehydrating sila.

Kung iinom ka ng maraming tubig, bababa ang blood sugar. Makakaiwas ka rin sa kidney stones.

Believe it or not, mahalaga ang regular exercise sa inyong kalusugan. Kapag physically active ang isang tao, umaayos rin ag kanyag brain health. Saka syempre,pag maliksi ang katawan, mabilis din ang metabolism nakakatulong din ito para maging firm ang laman at mapalakas ang resistensya. Nakakatulong kasi ang ehersisyo upang na mapaikot ang oxygen at nutrients sa mga tissues at nakatutulong din sa cardiovascular system para makapagtrabaho ng maayos.

Kapag malusog ang puso at baga, mas marami kang enerhiya ppara makapagtrabaho ng maayos.

A, siyanga pala, bawasan mo ang palaging nakaupo at nakatutuk lamang sa cellphone o anumang gadget. Masama rin ang laging nakaupo. Pero huwag kalilimutang matulog. Alam nyo na, sabi ng matatanda, a good day begins with a good night. Pag kulang sa tulog, mainit ang ulo, sumasablay ang brain performance, at syempre, inaantok. Obvious ba?

Pero higit sa lahat, iwasan ang alak at drugs. Pwede namang uminom, why not? But make sure na tipsy ka lang at hindi lasing, o mawawala ka sa huwisyo kinabukasan dahil sa hang-over. Red wine is good for the heart, pero lahat ng sobra ay masama. Wala namang mawawala kung mag-iingat tayo, hindi ba?KNM