MAGING PRAKTIKAL SA USAPANG REPRODUCTIVE HEALTH

reproductive health

(Ni CHE  SARIGUMBA)

PAGKAKAROON ng sariling anak, iyan ang nais ng maraming mag-asawa. Ang magkaroon nga naman ng bunga ng kanilang pag-iibigan ang siyang biyayang taimtim na hinihingi’t ipinagdarasal ng marami sa atin. Ngunit hindi madali ang pagdadalang tao lalo na kung hindi ito napaghahandaan.

Hindi na rin maitatanggi sa panahon ngayon na maraming kababaihan at kalalakihan ang nahuhumaling sa pakikipagtalik. Pabata na rin nang pabata ang nabubuntis—karamihan pa ay wala sa plano o kinaaayawan.

Bukod din sa wala sa planong pagbubuntis, tumataas na rin ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa. Sa datos ng Department of Health, mayroong 1,092 bagong kaso ng HIV/AIDS ang naitala nitong Mayo 2019. Kabilang dito ang tatlong buntis. Dalawa sa mga ito ay mula sa Central Luzon samantalang ang isa, mula naman sa Bicol region.  Mas mataas ito kumpara sa 950 na bagong kasong naitala noong Mayo 2018.

Nanatili naman ang pakikipagtalik bilang nangungunang paraan ng pagkahawa sa 1,059 (97%) kaso. Ayon pa sa DOH, nakapagtala ng 642 cases ang male-to-male sex, sinundan ito ng 260 mula sa pakikipag-sex sa kapwa lalaki at babae at 157 naman mula sa male-to-female. Mayroon ding naitalang 14 na kaso ng pagkahawa dahil sa paggamit ng infected needles at mother to child transmission naman ang anim na kaso.

Marami pa rin sa mga bagong kaso ay sa Metro Manila (339), Calabarzon (170), Central Luzon (124), Central Visayas (82) at Western Visayas (79).

Simula noong 1984, 3,357 na ang namatay dahil sa HIV at AIDS mula sa naitalang 67,395 na kaso.

Dahil sa hindi maawat na pagtaas ng kaso ng HIV, naglunsad ng kampanya ang 11 na organisasyon upang maipakita sa mga Filipino ang suporta sa family planning at reproductive health (RH) na may slogang “DO IT RIGHT!”.

DoItRight
#DoItRight 1: Guest of Honor, Undersecretary Juan Antonio Perez III, Commission on Population and Development (POPCOM) (Center) is joined for a photo-op by the representatives of the member organizations of the ‘Do It Right!’ coalition, (L-R) Sarah de Leon, Vice President – Integrated Midwives Association of the Philippines, Inc. (IMAP), Beth Dumaran, Vice President – Midwives Foundation of the Philippines, Inc. (MFPI), Jona Turalde, Champion – SheDecides Philippines, Ronivin Garcia Pagtakhan, Founder/Executive Director – LoveYourself, Inc., Hyam Asher Bolande, Chair-man of the Board – DKT Philippines, Nandy A. Senoc, Executive Director – Family Planning Organization of the Philip-pines (FPOP), Benjamin D. de Leon, President – The Forum for Family Planning and Development (The Forum), Men-sie Medalla, Vice President – Philippine League of Government and Private Midwives, Inc. (PLGPMI), and Diwata Paredes, Communications and Knowledge Management Specialist – RTI International. Kuha ni RUSTY ROMAN

“The ‘DO IT RIGHT!’ campaign is designed to encourage everyone to take those beliefs they already hold inside and share them out in the open, proudly, especially on social media like Facebook,” ani co-organizer Benjamin de Leon, President of The Forum for Family Planning and Development.

Idinagdag pa nitong: “By showing each other how many feel the same, in a positive, celebratory spirit, Filipinos can together free themselves of old inhibitions.”

Kabilang sa kampanya ang social-media blitz, festival events, gayundin ang tradisyonal na paglalathala gaya ng billboards, print at radio. Hinihikayat din nito ang couples at individuals na gawin ang Do It Right hand sign sa selfie posts o sa public. Ang DoItRight hand sign ay ang two fingers held up together, representing the couple, with a thumb in-between, representing safe sex measures that strengthen their bond.

“This is wide open. We invite anyone who feels this topic is important — companies, famous Filipinos, anyone –to come on board,” ani Hyam Asher Bolande, Chairman of the Board of DKT Philippines.

Ayon naman kay Commission on Population and Development (POPCOM) Undersecretary Juan Antonio Perez III, napapanahon na upang patindihin pa ang effort ng gobyerno para maipatupad ng buo ang RH bill.

“It’s high time for society to finally put aside fears and embarrassment about this topic and declare openly – as the majority of Filipinos, together – that RH is OK, that it’s responsible,” ayon naman kay Nandy Senoc, FPOP Executive Director,

“When youth and women are empowered, there will be no teen pregnancies, no early marriages, no unwanted pregnancies or abortions. When women are well informed, the fight against poverty is already halfway won,” pagtatapos pa nito.

Kabilang sa nakiisa sa kampanya ang DKT Philippines, the Family Planning Organization of the Philippines (FPOP), The Forum for Family Planning and Development, The Philippine Society for Responsible Parenthood, LoveYourself, RTI International, SheDecides Philippines, and four professional associations for the country’s midwives.

Pagiging praktikal at pagkakaroon ng common sense, ang ilan sa paraan upang maiwasan ang pagkahawa sa naturang sakit. Halimbawa ng common sense ay ang pagtawid sa kalye. Common sense naman iyong tumingin ka sa magkabilang gilid dahil alam nating may daraang sasakyan. O kapag bumibiyahe ka’t nasa bus o pampublikong sasakyan. Kapag may bumahing o inuubo, tiyak na mahahawa ka. Dahil din sa rami ng tao, hindi rin maiiwasang makakuha ka ng iba’t ibang sakit. Gayundin sa pakikipag-sex. Maging maingat. Higit sa lahat, maging malinis sa katawan. Dahil kung marumi ka’t hindi maingat, sakit ang tiyak na makukuha mo o ninyo ng iyong partner.

Para sa mas masa­yang hinaharap, #Do­ItRight.

Comments are closed.