(Pagpapatuloy)
MAY social media campaign ang Department of Tourism (DOT) upang maipaabot sa mas nakararami ang isyu tungkol sa environmental eco-tourism.
Maaaring manalo ng libreng biyahe sa El Nido, Palawan para sa dalawang tao sa pamamagitan ng pag-upload lamang ng inyong mga “eco-friendly” travel pictures, pag-geotag sa mga larawang ito, at pagsusulat ng maikling caption tungkol sa mga ito.
I-upload ang inyong mga entries gamit ang mga sumusunod na tags: tourismphilippines (Tiktok), tourism_phl (Instagram), https://www.facebook.com/DepartmentOfTourism (Facebook), at @TourismPHL (Twitter). Gamitin din ang mga sumusunod na hashtags: #KeepTheFunGoing at #ChallengeDone sa inyong mga captions at i-tag ang 3 kaibigan sa post. Ang iyong profile at post ay kinakailangang naka-set sa public upang makita ng lahat ang inyong entries.
Ang website na https://philippines.travel/saveourspotsay naglalaman ng mahahalagang impormasyon kagaya ng mga mungkahi tungkol sa mga sustainable outdoor activities, travel tips, videos at articles, listahan ng mge green hotel dito sa bansa, mga event, piyesta o festival, tips kung paano magiging isang eco-warrior, at marami pang iba.
Madaling bumili ng tiket at mag-book ng hotel, ngunit kailangang maglaan ng panahon ang bawat biyahero at bakasyunista upang pag-isipan at pagplanuhan kung paano magiging isang responsableng bakasyunista. Kasi, malinaw naman ang mensahe: Kung aalagaan natin ang ating mga tourist spot at travel destination at sisikapin nating mapangalagaan ang mga ito, ang ating mga anak at ang mga susunod pang henerasyon ay magkakaroon din ng pagkakataong ma-enjoy ang mga ito.