CAMP CRAME – DAHIL sa inaasahang masikip na trapiko sa paparating na Pasko at 30th South East Asian Games, ipinag-utos ni PNP Officer-in-Charge, Lt Gen Archie Francisco F. Gamboa ang maigting na pagpapatupad para dakpin ang mga motoristang gagamit ng wang-wang, blinkers at unauthorized motorcycle escorts.
Sa direktiba ni Gamboa sa lahat ng PNP unit commanders, nais niyang maipatupad ang strict enforcement sa Letter of Instruction (LOI) 34/10 Action Plan Against Wang-Wang and Counter Flow at sa PNP Memo Circular No. 2017-049 na may “Policy on the Provision of the PNP Mobile and Motorcycle Security Coverage”.
“We are imposing existing measures against the indiscriminate use of prohibited sirens, bells, horns, whistles, or similar gadgets that produce staggering sounds and as well as motorcycle security escorts when traversing highways and major thoroughfares for personal advantage and easy passage,” ayon kay Gamboa.
Aniya, tanging patrol vehicles and motorcycles, Scene of the Crime Operatives vehicles, SWAT vehicles, rescue vehicles at mga ambulansiya lamang ang maaaring gumamit ng wangwang blinkers, at kaparehong devices.
Mahigpit din ang bilin ni Gamboa na hindi dapat ipagamit ang PNP motorcycles at mobile cars sa mga kasalan, kaarawan at libing.
“Those vehicles are only authorized for police patrol purposes, not for weddings, birthdays, and funerals,” ayon pa kay Gamboa.
Ipinaalala rin ng PNP OIC ang PNP Memo Circular No. 2017-049 na nagsasaad na ang PNP mobile and motorcycle security ay ginagamit lamang sa Presidente, Bise Presidente, Senate President, Speaker of the House Representatives, Chief Justice at iba pang authorized government officials at foreign delegates kapag may national events.
Samantala, inabisuhan ni Gamboa ang lahat ng komander na mag-deploy ng traffic cops para sa mabilis na pagresponde sa emergency vehicles gaya ng mga ambulansiya at fire trucks na maiipit sa EDSA at iba pang busy streets sa bansa. EUNICE C.
Comments are closed.