MAGING WAIS SA PAGGASTOS NG 13TH MONTH PAY

Ang 13th month pay ang pinakaaabangan ng mga empleyado.

Ito ay insentibo  na binibigay ng mga employer sa kanilang trabahador habang ang computation nito ay depende sa haba ng pagsisilibi ng isang kawani.

Halimbawa, kung nabuo ng isang empleyado ang isang taong paglilingkod sa kompanya, ang kanyang matatanggap ay halaga ng isang buwang suweldo.

Habang kung hindi buo na 12 buwan ang pinagsilbi sa kompanya o pagawaan, kukuwentahin ito depende sa haba ng serbisyo at hindi isang buwang suweldo.

Sa paglipas ng panahon, nagiging wais na ang mga empleyado sa paggastos ng kanilang 13th month pay.

Kung dati, ito ang ginagamit para i-pamper ang sarili gaya ng pampa-rebond, pambili ng gadget, damit, sapatos o panregalo sa mga mahal sa buhay at inaanak, ma ninais ng mga manggagawa na planuhin ang paggastos sa kanilang 13th month pay.

PUWEDENG HATIIN

Maaari nating hatiin ang ating natanggapa na 13th month pay .

Ang unang kalahati ay maaaring ilaan para sa pagdiriwang ng Pasko habang ang kalahati maaaring ilaan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Tradisyon na sa Pilipinas na kapag Bagong Taon, dapat may laman ang wallet, ang pagtanggap ng 13th month pay ay malaking tulong para sa paniniwalang iyon na sa buong taon ay hindi mawawalan ng pera ang isang indibidwal.

GAWING KAPAKI-PAKINABANG ANG 13TH MONTH PAY

Dahil gaya ng Pasko at Bagong Taon na isang beses lang sumasapit ang 13th month pay, gawing kapaki-pakinabang ang paggagastusan nito.

Maaaring sa pamamagitan ng 13th month pay,  mag-invest o gamitin sa maliit na negosyo.

Puwede ring itago ang bahagi nito at pandagdag sa savings.

Iwasang gamitin sa pambili ng mga gamit na hindi magtatagal at ang pinakamaganda ay bumili ng maliit na piraso ng alahas na magpapapalala sa iyo kung saan ka kumuha ng pambili niyon.

Gawing inspirasyon ang pagtanggap ng 13th month pay upang maging masigla sa pagtatrabaho.

Higit sa lahat, pasalamatan ang inyong boss dahil sumusunod sa labor code na ibigay ito bago ang Pasko!