MAGKAIBIGAN NAPURUHAN SA LIVE WIRE

Kawad ng kuryente

ISABELA – PATAY ang magkaibigang lalaki matapos na makoryente nang sumabit sa nakalaylay na kawad ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Patul, Santiago City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Melchor Arriola, Information Officer ng Santiago City Police Office (SCPO), ang dalawang biktima na sina Russel Tyrell Pascaran at ang kaibigan na kinilala pa lamang sa pangalang Jerome.

Tinatahak ng mga biktima lulan ng isang motorsiklo ang Barangay Road Patul, Santiago City kung saan pumulupot sa gulong ng motorsiklo ang putol na koryente na dinadaluyan ng libong boltahe na mula sa Isabela Electrict Cooperative-1  (ISELCO-1) na nadaanan nila kaya nawalan sila ng balanse at natumba.

Matapos matumba ang motorsiklo ay nadale ang mga biktima sa live wire na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

IRENE GONZALES

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *