MAGKAIBIGAN TINAMBANGAN, ISA MINALAS

tambangan

LAGUNA – BINAWIAN nang buhay habang ginagamot sa Pagsanjan Medical Center dahil sa tinamong mga tama ng bala ng 51-anyos na lalaki habang patuloy pa ring nilalapatan ng lunas ang tinamong sugat ng kasamahan nito matapos tambangan at pagbabarilin ang mga ito ng riding in tandem suspects habang lulan ang mga ito ng isang kulay itim na Toyota Innova sa may kahabaan ng National Hi-way, Brgy. Biñan, Pagsanjan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PCapt. Jollymar Seloterio, hepe ng pulisya, ang namatay na biktimang si Jojo Perez y Labarento, ng Bonifacio St., Siniloan, Laguna, habang ang sugatan na kasamahan nito ay si Wenny Bautista, 40, ng Brgy. Bulihan, Famy, lalawigang ito.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:55 ng gabi habang aktong lulan ng nabanggit na sasakyan na may plakang YX-1873 na minamaneho ni Bautista kasama ang biktimang si Perez patungo sa lugar mula sa bayan ng Sta. Cruz nang tambangan ang mga ito ng mga suspek bago malapitang pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na pawang nakasuot ng helmet makaraan ang pamamaril lulanng naturang motorsiklo na walang plaka patungo sa Sitio Balugbog kung saan patuloy na kinikilala at tinutugis ngayon ng pulisya.

Kaugnay nito, malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya para matukoy ng mga ito ang posibleng motibo sa krimen. DICK GARAY

Comments are closed.