MAGKAISA TAYO SA TAGUMPAY NI HIDILYN AT HINDI MAGHIDWAAN

NAPANOOD ko sa telebisyon ang pagwawagi ni Hidilyn Diaz upang maging kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics, sa 55-kilogram ng paligsahan ng weightlifting. Bukod dito ay naitala niya ang Olympic record sa kanyang kategorya sa pagbuhat ng 127kg sa clean and jerk at sa kabuuang 224kg na binuhat.

Matindi. Mabigat. Nakatataba ng puso bilang isang Pilipino ang nagawa ni Hidilyn. Makikita at maririnig mo sa kanyang galaw at pananalita kung gaano niya binibigyang halaga ang kanyang sarili bilang isang Pilipino. Inalay niya ang kanyang hirap, pawis at pagwawagi sa Bayan. Para sa Pilipinas!

Matapos kumalat ang magandang balitang ito sa buong bansa sa pamamagitan ng social media at mga balita sa radyo at telebisyon, tila nabawasan ng ningning ang kanyang nagawa para sa Bayan. Idinikit kasi agad sa usapang politika sa pagitan ng ating gobyerno at ng ilang mga opisyal ng administrasyon.

Teka, huwag muna ninyo akong husgahan dito. Hindi ko ipinagtatanggol ang administrasyon na ito.

Tulad ng mga iba sa atin, masasabi ko rin na may pagkukulang at kapalpakan ang gibyerno. Malinaw ito sa mga lumalabas ng survey na bumaba ang approval at satisfaction rating ni Pangulong Duterte.

Ang nais ko lamang na ipahatid ay ang nakikita kong hindi pagkakaisa nating mga Pilipino matapos manalo si Hidilyn. Tama lamang na pag-usapan natin ang iba’t ibang isyu na nakaaapekto sa ating bansa tulad ng COVID-19, ang pagtumal ng ating ekonomiya dulot ng nasabing pandemya, kawalan ng trabaho, nagtataasang bilihin at itong patuloy ng matinding pag-ulan dulot ng Habagat.

Ngunit kung ididikit natin ang pagwawagi ni Hidilyn sa kapalpakan ng gobyerno ay hindi nakatutulong para sa ating lahat. Huwag na nating pagkumparahin ang dalawang bagay. Sabagay, malapit na ang eleksiyon. Marami ring trolls sa social media na gumagalaw para sa mga politiko upang tirahin ang gobyernong ito. Marahil ay nais nilang gamitin ito para umakyat din sila sa susunod na survey. Hay naku, ang politika talaga sa ating bansa.

Heto pa. Nabuhay muli ang isyu umano sa ‘red-tagging’ laban kay Hidilyn, dalawang taon na ang nakararaan. Sa totoo lang, pati ako ay nagulat sa balitang ito. Hindi kapani-paniwala. Isang kilalang atleta ng ating bansa at miyembro ng Armed Forces of the Philippines bilang sarhento sa Air Force ay madadawit sa mga komunista. Ha?!

Hindi tuloy natin masisisi ang iba sa ating mga kababayan na galit o ayaw sa adminsitrayon na ito na gamitin ang nasabing isyu.

Ang nakakainis pa rito ay kung papaano sumagot si Chief Presidential Legal Counsel Salvador ‘Sal’ Panelo sa isyung ito. Imbes na magpakumbaba, parang hindi taimtim ang pag-amin ng pagkakamali.

Ang sabi niya ay “Madaling mag-apologize kung mali ang ginawa mo, pero kung wala ka namang ginawa, like for example, ano bang ginawa ko? I just presented the matrix, na wala naman akong kinalaman, upon the instructions of the President. You cannot apologize for something that you have not committed.” Nakatulong kaya ang ganitong klaseng pagpapaliwanag?

Kumakatawan siya bilang isang mataas na opsiyal ng adminsitrasyon ni Duterte. Ngayon ay magtuturo siya? Sana na lang ay nagpakumbaba siya na nagkaroon marahil ng kaunting pagkakamali sa intelehensiyang nakalap noon. Tapos ang usapan.

Kaya naman nakapanghihinayang na ang pagkapanalo ni Hidilyn ay tila napupunta sa hidwaan ng sambayanan. Sayang.

208 thoughts on “MAGKAISA TAYO SA TAGUMPAY NI HIDILYN AT HINDI MAGHIDWAAN”

  1. Definitive journal of drugs and therapeutics. Read here.
    stromectol covid
    п»їMedicament prescribing information. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  2. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    stromectol cream
    Some trends of drugs. Commonly Used Drugs Charts.

  3. When someone writes an piece oof writing he/she keeps the pla off a user
    in his/her min that hoow a useer ccan understand it.
    Thus that’s why this paragraph iss perfect. Thanks!

  4. Everything what you want to know about pills. Comprehensive side effect and adverse reaction information. amoxicillin 500mg
    Everything information about medication. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  5. Read information now. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    ed drugs list
    Commonly Used Drugs Charts. Everything information about medication.

  6. Everything what you want to know about pills. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    tadalafil cost india
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  7. drug information and news for professionals and consumers. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    cheap tadalafil 20mg
    п»їMedicament prescribing information. Read information now.

Comments are closed.