ISA sa pinakamahalagang hakbang sa pagbili ng bahay ay pagtaas ng value nito. Dapat, alam mo kung magkano ito at kung tataas pa ba ang presyo nito sa pagdaan ng panahon. Isa pa, kailangang swak sa badyet.
Minsan kasi, hindi naman useful bumili ng bagong bahay. Kaya nga dapat lamang na talakayin natin ang detalye ng home value appraisal. Pag-usapan natin kung ano ang nararapat. Pagkatapos, tingnan natin ang market value ng bahay. Ipapaliwanag din natin
kung paanong
ini-estimate ng real estate assessors ang halaga ng bahay at tingnan natin kung kaya nating sundin ang kanilang pamamaraan.
Madalas, nangungutang tayo para makabili ng bagong bahay. Ang tawag doon, mortgage o home loan. Nagpapautang sila depende sa value ng bahay na iniuutang mo. Mas mataas ang value ng bahay, mas malaki ang mauutang ninyo.
Heto ang mga tinitingnan para malaman ang value ng bahay: Location, gaano na katagal nagawa ang bahay, materyales na ginamit sa pagpapatayo nito, Curb appeal, bagong renovations at real estate market trends.
Ang pinag-uusapan talaga dito ay ang market value vs. appraised value ng bahay mo. Magkano ba talaga ang halaga ng bahay at magkano mo ito gustong ibenta. Pinag-uusapan ng buyer at ng seller ang fair market value tulad ng:
* The overall condition at hitsura ng bahay
* Magkano ang presyo ng mga bahay na kamukha nito na nasa local market
* Current trends sa real estate market
Tandaang magkaiba ang fair market value sa official appraisal value. Iba pa rin ang assessed value. Makukuha ito sa local government depende sa ibinabayad na buwis. Hindi na kailangan sa assessed value ang professional appraiser pero dapat itong pagtuunan ng pansin ng bibili. Dito kasi mae-estimate kung magkano ang dapat na down payment. Tandaang ang property taxes ay ang second-largest homeowner expense. JAYZL VILLAFANIA NEBRE