MAGKAPATID NA-SUFFOCATE  SA SUNOG

SUNOG

PAMPANGA – FAUL­TY electrical wiring ang sinasabing dahilan ng sunog na kumitil sa dalawang magkapatid matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay, sa ulat ng pulisya kahapon sa Angeles City.

Ayon sa police report, hindi nakalabas ng bahay ang magkapatid na sina Rian, 4-anyos at bunsong si Rox, 2 taong gulang.

Sinasabi ng mga arson imbestigators na mabilis na kumalat ang apoy na agad na tumupok sa  kanilang bahay na nasa  Barangay Pandan ng nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection at Angeles PNP, inilahad ng ina ng mga paslit na si Margie Roxas, araw-araw na naiiwan ang mga bata sa bahay dahil nagtatrabaho sila at ibinibilin lamang ito sa kanilang lola.

Kahapon ay nagkataon na may sakit umano ang ina ni Roxas kaya hindi nito nasundo ang magkapatid.

Hinala ng mga imbestigador na nag overload na electrical wiring ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa kabahayan dahil nakikikabit la­mang ng koryente sa kapitbahay ang pamilya Roxas.

Ayon kay Fire Chief Insp. Sonny Cario, fire marshall ng Angeles City Central Fire Station ang pag-tap ng koryente ang hinihinalang sanhi ng sunog dahil sa pag-overload bunsod ng paggamit nila ng extension wire. VERLIN RUIZ

Comments are closed.