MAGKAPATID PATAY NANG MA-TRAP SA SUNOG

CAVITE- MAGKAYAKAP at wala nang buhay na natagpuan ng mga rescue team ng Silang-LGU ang dalawang bata na natutulog sa kanilang bahay ng mangyari ang sunog kamakalawa ng hapon sa Purok 1, Brgy. Biluso, Silang sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawing dalawang bata na sina alyas Rhian, 4-anyos at alyas Rhyle, 3-anyos.

Base sa inisyal na report ng ang Bureau of Fire Protection-Silang, naganap ang sunog habang nasa trabaho ang ama ng dalawang bata at ang ina nito ay nangangalap naman ng panggatong para sa kanilang pagluluto.

Nabatid na natutulog ang mga biktima nang masunog ang kanilang bahay na yari lamang sa kahoy kaya’t mabilis itong natupok.

Idineklara ng BPF-Silang na fireout ang sunog dakong alas-4:15 ng hapon at patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang pangyayari.

Samantala, agad nagbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Silang sa nasunugan at nagpaalala na maging maingat sa lahat ng pagkakataon.
SID SAMANIEGO