MAGKAPATID TIMBOG SA SHABU

ARESTADO sa isang drug-bust operation ng Taguig City police ang magkapatid na babae at lalaki kahapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Melchor Micaller, 35-anyos, construction worker at ang kapatid na babae na si Ronalyn, 36-anyos, kapwa residente ng Sampaguita Street, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Base sa isinumiteng report ng Taguig City police kay Macaraeg, bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Taguig police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang buy-bust operation sa bahay ng mga suspek sa Sampaguita Street, Barangay Western Bicutan, Taguig City, dakong alas-3 ng madaling araw.

Nakumpiska sa magkapatid ang 44 plastic sachets na naglalaman ng shabu na may bigat na 20 gramo na nagkakahalaga ng P136,000 kung saan nai-turnover sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong ang magkapatid sa detention facility ng Taguig City police habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga ito sa Taguig City prosecutor’s office.

Samantala, pinuri naman ni Macaraeg ang Taguig City police sa matagumpay na buy-bust operation.

“Aking binabati ang Taguig City police at Station Drug Enforcement Unit sa panibagong matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga. Natutuwa ako sa mga pulis sa Southern Police District na patuloy na isinasagawa ang kanilang mga tungkulin upang mabigyan ng katahimikan at kapayapaan ang southern part of Metro Manila,” ani Macaraeg. MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “MAGKAPATID TIMBOG SA SHABU”

  1. 899630 24802There will likely be several totally different portions about the LA Weight reduction eating program and one is truly critical. Begin stage is your in fact truly of these extra load. weight loss 16433

  2. 841849 123144Hi! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any tips? 36235

Comments are closed.