MAGKAPATID TODAS SA SAKAL NG INA

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng magkapatid na bata makaraang sakalin ng kanilang 32-anyos na nanay sa loob ng bahay sa Duxbury community, Plymouth, Massachusetts, U.S.A. nitong Martes.

Nagsumite na ng warrant of arrest ang pulisya nitong Miyerkules sa kasong 2 counts of homicide at 3 counts of strangulation, assault, at battery with a deadly weapon laban sa akusadong si Lindsay Clancy na namamasukan bilang midwife o delivery nurse sa Massachusetts General Hospital ay sinasabing tumalon mula sa bintana ng kanilang bahay para mag-suicide matapos ang insidente.

Samantala, ang dalawang anak na sina Cora, 5-anyos at Dawson, 3-anyos ay kapwa naisugod sa ospital subalit idineklarang patay habang ang isa pang anak na 7-month-old baby boy na nasa kritikal na kondisyon at walang malay ay naisugod naman sa Boston Children’s Hospital at patuloy na inoobserbahan.

Sa nailathala ng Boston Globe, sinabi ni Plymouth County District Attorney Timothy Cruz, kasalukuyang nagpapagaling si Clancy sa Boston hospital na nasa ilalim ng police custody kung saan magpa-press conference ang mga opisyal kaugnay sa takbo ng imbestigasyon ng nasabing kaso.

Nabatid sa ulat na tumawag sa 911 ang mister ni Clancy nang makitang lumundag mula sa bintana ng kanilang bahay.

Kasabay nito, magpapalabas ng opisyal na pahayag sa darating na araw ang medical examiner kaugnay sa pagkamatay ng batang magkapatid.

Sa source ng WBZ-TV I-Team, lumilitaw na may posibilidad na si Clancy ay nagdaranas ng postpartum psychosis (serious mental illness) matapos manganak at extreme confusion, loss of touch with reality, paranoia, delusions, at hallucinations kung saan ang pinaka-severe symptoms ay tumatagal ng 2 hanggang 12 Linggo habang ang treatment na full recovery ay aabot sa 6 o 12 buwan. MHAR BASCO