MAGKASINTAHAN NANALO SA SUGAL NIRATRAT

riding in tandem

MAYNILA – MAGKASAMANG binawian ng buhay ang magka­sintahan na umano’y nanalo sa sugal  matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem suspects sa Balut, Tondo.

Dead on the spot ang mga biktima na sina  Rina Lopez, 31, dalaga, residente ng  2251 Malaya Street, Balut, Tondo, at si Jairus Martinez, 22, binata, residente ng  2722 Victoria Street, Gagalangin.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), naganap ang pamamaril dakong alas-5:43 ng ­umaga ng Linggo sa  Rodriguez corner Nepa Street

Sakay umano ng motorsiklo na kulay itim ang magkasintahan at habang binabaybay ang nasabing lugar ay bigla silang nilapitan ng hindi nakilalang suspek ay walang habas na pinagbabaril.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima habang tumakas naman ang mga suspek.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow up  operation ang pulisya para sa pagkakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.

Inaalam din ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang. PAUL ROLDAN

Comments are closed.