NUEVA VIZCAYA – SWAK sa selda ang magkasintahan na kabilang sa drug watchlist ng pulisya matapos na mahulihan ng humigit kumulang sa isang kilo ng mga pinatuyong dahon ng marijuana sa Salvacion, Bayombong.
Kinilala ni P/Maj. George Maribbay hepe ng Bayombong Police Station ang suspek na sina Francisco Feliciano, 25, tricycle driver, residente ng Zulueta Extention, Purok 3, Bayombong at ang kasintahan na si Chritine Cassandra Dychiran, 22, residente ng Don Tomas, Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Naaktuhan umano ang magkasintahan sa drug buy bust operation ng PNP-Bayombong na nagtutulak ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang ahente ng PDEA na umaktong buyer.
Nakuha sa pag-iingat ng mga pinaghihinalaan ang 19 piraso ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, 1 zipped lock plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, 1 bote ng pinatuyong dahon ng marijuana, P300, dalawang cellphone, 1 back pack at 1 timbangan.
Galing umano sa Tabuk at Tinglayan, Kalingga, kung saan ay rati na umanong naaresto si Dychtan na magpuslit sa loob ng piitan noong 2018.
Ang mga pinaghihinalaan at mga ebidensiya ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. IRENE GONZALES
Comments are closed.