(Magkatuwang sa paghahanapbuhay) DRAYBER SI MISTER, KONDUKTOR SI MISIS

“MAGKASAMA sa hirap at ginhawa. Till death do us part.”Ang mga sumpaang hindi kayang paghiwalayin ng tadhana.

Halos 16 taon ding nagtrabaho ang mag-asawang Maricel Lazala, 36-anyos  at Mark Candor, 34-anyos sa bansang Dubai bilang Receptionist at Steward na pawang naninirahan ngayon sa Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite.

Nang pumutok ang pagkalat ng COVID-19 ay kasama sila sa mga nawalan ng trabaho at pinauwi ng Pinas.

Tila naglaho ang pangarap nila na makabili ng bahay at lupa sa pangyayaring iyon.

Isa lamang ang mag-asawang ito na sob­rang naapektuhan ng pandemya na pilit man nilang gustuhin ay hirap pa rin silang makabalik sa Dubai.

Ngayong nasa Pinas na sila ay kaila­ngan nilang dumiskarte upang mabuhay.

Pinasok ni Mark ang pagiging babybus driver na may rutang Cavite-Naic vice-versa. Habang ang kanyang asawa naman na si Maricel ay ang kanyang konduktor.

“Mahina na ngayon ang pasada sa bus hindi tulad dati. Marami na rin kasing manggagawa sa EPZA ang nawalan ng trabaho matapos na magsara ang ilan sa mga kumpanya ng pabrika sa Epza,” paliwanag ni Mark.

Kumikita siya sa pamamasada ng mahigit P1000 bawat araw, kung minsan bawi lang. Dahil may araw na sunud-sunod ang kamalasan na nandiyan yung masiraan, maplatan ng gulong at ang mahuli ng traffic enforcers.

Gayunpaman, ani Mark na sadyang ganyan ang buhay kung saan sipag at tiyaga lang ang kailangan upang mabuhay.

Magtiis at magsumikap hanggang magtagumpay at makamit ang pangarap gayundin magsaya kapag ramdam na ang buhay masagana. SID SAMANIEGO

19 thoughts on “(Magkatuwang sa paghahanapbuhay) DRAYBER SI MISTER, KONDUKTOR SI MISIS”

Leave a Reply

Your email address will not be published.