MAGKUMPARENG TUMOTOMA NAGKAPIKUNAN, ISA NAMARIL

pamamaril

LA UNION – NAUWI sa patayan ang masayang inuman ng magkumpare makaraang magkapikunan sa harap ng bote  sa Barangay Camiling, Balaoan.

Pinaghahanap na ang namaril na si Reggiie Mendoza, 32, habang nasawi naman ang kainuman nito na si Joema Opetina, residente rin sa naturang lugar.

Ayon kay Chief Ins. Jeofrey Sanchez, hepe ng Balaoan Police, nagkagirian ang dalawa habang nag-iinuman.

Umuwi pa ang suspek na inakalang magpapahinga na subalit bumalik ito at bitbit ang baril saka walang habas na pinaputukan umano nito ng cal. 45 ang biktima at agad tumakas matapos maisakatuparan ang kanyang masamang balak.

Dead on arrival sa ospital si Opetina, habang sugatan ang kasama nito na si Jeston Lloyd Sudiacal na tinamaan ng ligaw na bala. AIMEE ANOC

Comments are closed.