Pinayuhan ng Philippine Coast Guard ang mga maglalayag sa Northern Luzon kasunod ng panibagong pagpapalipad ng China ng Long March 7A rocket mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan.
Ito ay kalakip ng inilabas ng Department of Transportation (DOTr) na notice to mariners kung saan inaasahang papaliparin ang rocket mula Agosto-21 hanggang Agosto 25, 2024.
Inaasahang ilang mga bahagi o debris ng naturang rocket ay babagsak sa bisinidad ng natukoy na drop zone na tinatayang 38 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos Norte at 66 nautical miles mula sa Sta Ana, Cagayan.
Dahil dito ay pinag-iingat ng PCG ang mga barko at lahat ng sasakyang pandagat na bibiyahe sa mga naturang lugar.