MAGLINIS, MAGBAHAGI, MAGHANDA PARA SA BAGONG TAON

(Pagpapatuloy…)
Isa mga organisasyong nagpapaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Odette ay ang Green Releaf. Inaanyayahan ng grupo ang publiko na magpadala ng cash at/o donation in-kind para sa mga magsasaka at komunidad na nasalanta ng bagyo.

Ayon sa post ni Sarah Queblatin ng Green Releaf, libo-libong Pilipino ang nagising na wala na o nawawala ang kamag-anak o kapamilya, tahanan, koryente, tubig, at pagkain… mga buhay, alaala, dignidad, at pag-asa ay nabura sa isang iglap lamang. Para sa ating mga Pilipino, matagal nang reyalidad para sa atin ang climate emergency.

Kung mayroon kayong mga kagamitang maaari pang mapakinabangan ng mga biktima ng unos at kung ito ay nasa mabuting kondisyon pa, o kung nais mong magpaabot ng anumang tulong, cash man o in-kind donation, upang suportahan ang programa ng Green Releaf, maaaring gamitin ang link na ito: https://www.paypal.com/donate/? hosted_button_id = ZJGNCUY9NBR5N & fbclid = IwAR2ttg9muIKyyAEvoBvAU_LPZ6KQwFq 4m YIYHrHMSLAD lN01nk5ORiH05As. Maraming mga organisasyon at grupong tumutulong sa mga apektado ng bagyo, at sila rin ay nangangailangan ng ating suporta. Madali namang hanapin sa internet ang detalye tungkol sa mga programang ito.

Sa pagtatapos ng taong 202, mabuting maglaan ng espasyo o lugar para sa mga bagong bagay at oportunidad sa pamamagitan ng pagtanggal o pag-alis ng anumang sira na o hindi na magagamit.

Mas mainam na blangko at malinis ang ating simulain, lalo na ngayong paparating na ang 2022. Hangad ko para sa inyong lahat ang kakayahang magdesisyon kung alin ang dapat itago at alin ang kailangan nang pakawalan.