MAGLINIS PARA IWAS-COVID

Senador Cynthia Villar

BUKOD sa kalusugan at kalinisan, sinabi ni Senadora Cynthia Villar na mahalaga ang malinis na kapaligiran para maiwasan ang pagka-lat ng bagong coronavirus or Covid-19 at mabawasan ang epekto nito.

Dahil dito, sinabi ni Villar na dapat maging bahagi ng “new normal” ang isang malinis at luntiang kapaligiran.

Iginiit nito,  magandang pasimula ang pagpapabuti sa kalidad ng hangin.

Aniya, malaki ang ibinaba ng pagbubuga ng iba’t-ibang uri ng gaas na may kaugnayan sa enerhiya at transportasyon bunga ng limitadong economic activity at galaw ng mga tao.

Bago ang enhanced community quarantine (ECQ), ang Filipinas ang pang- 57 sa 98 na pinaka-polluted na bansa sa buong mundo noong 2019  base sa talaan ng IQAir AirVisual’s.

Noong nakaraang taon, ang lebel sa bansa ng concentration ng particulate matter na tinatawag na  PM2.5  ay may average na 17.6 micrograms per cubic meter (μg/m3). Ito ay tumaas mula sa 14.6 μg/m3 noong 2018.

Nalampasan nito ang 10 μg/m3 safety limit ng World Health Organization (WHO).

Sa unang linggo ng lockdown, bumaba ang PM2.5 concentration level sa 7.1 ug/m3 mula 20 ug/m3.

Ang PM2.5 ang particulate matter na 2.5 micrometers o mas maliit sa diameter.  Madali masinghot at maiugnay sa respiratory illnesses ang particles nito na binubuo ng  usok, mga metal at kemikal, alikabok at iba pang elemento.

Nababahala ang mga eksperto sa pagtaas ng air pollution level sa sandaling tanggalin ang community quarantine sa Mayo 15.

“We should keep this positive momentum going. It should be part of the “new normal” that we are talking about. We should put in place post-lockdown environmental safeguards and strategies,” sabi ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Re-sources.

Ayon kay Villar, may mga pag-aaral din na nag-uugnay sa air pollution level sa mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng coronavirus.

Ipinakikita sa pag-aaral ng Harvard T.H. Chan School of Public Health na may kaugnayan ang mataas na lebel ng PM2.5 sa mas mataas na death rate mula sa Covid-19 disease.  Katumbas ng 15% increase sa COVID-19 death rate ang pagtaas ng isa lamang gramo per cubic nito.

Balak ng senador na repasuhin ang pagpapatupad ng Clean Air Law o Republic Act 8749 na ipinasa noong 1999 na naglalayong mapabuti ang kalidad ng hangin sa buong bansa.

Kabilang sa mga probisyon nito ang mapabuti ang kalidad ng gasolina sa pagpapababa ng lebel ng aromatics.Inaatasan nito ang factories na maglagay ng  anti-air pollution devices.

“The law was passed 21 years ago, just like other old laws, it needs to be reviewed, some of its provisions may need amending or updating,” ayon kay Villar.

Nais ni Villar na bigyang diin ang masamang epekto ng polusyon sa protected areas. VICKY CERVALES

Comments are closed.