MAGLIVE-IN SUSPEK ARESTADO SA PAG-CHOP-CHOP, PAGSUNOG SA BABAENG PWD

BATANGAS – NASAKOTE ng mga awtoridad ang mag-live in partner na itinuturong suspek sa brutal na pagpaslang sa 33-anyos na babaeng PWD sa Barangay Barualte, bayan ng San Juan.

Bandang alas 1:30 ng hapon nitong Miyerkoles nang damputin ng mga tauhan ng San Juan Municipal police station ang mga suspek na 53-anyos na lalaki at 53 -anyos na kalive in nito na siyang may-ari ng uli­ngan.

Matatandaang noong alas-11 ng  Lunes ng gabi, nagreport sa barangay ang mga suspek na may nakita umano silang  mga sunog na bahagi ng katawan ng hindi nila kilalang tao na nakasama sa kanilang inuuling na kahoy.

Subalit lumabas sa imbestigasyon na ang biktimang si Mary Jane, isang PWD at single pa­rent na positibong kinilala ng kanyang kapatid na lalaki ang bangkay nito na sinasabing brutal na chinop-chop ng dalawa at saka sinunog ang mga bahagi ng katawan.

Nakakulong na ang mag-live in partner sa San Juan police station locked up cell at nahaharap sa kasong murder.

BONG RIVERA