MAGMAMANGGA NAGTIPON-TIPON SA 4TH LUZON MANGO CONGRESS

NAGTIPON-TIPON ang 225 na magmamangga mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa para sa 4th Luzon Mango Congress sa pangunguna ng Department of Agriculture-Calabarzon sa Batangas City.

Nakatuon ang aktibidad sa pagtalakay at pagpresenta ng estado ng industriya ng mangga sa buong kapuluan kabilang ang Philippine Good Agricultural Practices at Pest and Diseases Management sa mangga.

Nagsilbing daan din ito sa pagbabahagi ng mga karanasan at natatanging pamamaraan sa pamamahala ng operasyon ng manggahan sa bawat rehiyon.

Pinasinayaan ang kongreso nina Senator Imee Marcos, Bureau of Plant Industry at High Value Crops Development Program Director Gerald Glenn Panganiban, DA Calabarzon OIC-Regional Executive Director Fidel Libao at Batangas Provincial Agriculturist Rodrigo Bautista Jr.
RUBEN FUENTES