NAKAKUMPISKA ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpuksa sa money laundering activities ng mahigit P20.7 million na halaga ng undeclared foreign currencies magmula noong Enero.
Sa isang statement noong Miyerkoles, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na ang nasabing halaga ay nasamsam sa 83 insidente.
Ito’y kasunod ng joint inspection ng BOC, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa currency inspection hub sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Pinangunahan nina BOC Deputy Commissioner Teddy Raval, AMLC Commitments and Policy Group acting deputy director Allan Julius Azcueta, at BSP International Operations Department manager Alexis Cervantes ang joint inspection.
Ayon sa BOC, ang undeclared currencies ay nakumpiska mula kapwa sa Filipino at foreign travelers, karamihan ay sa South Korea, Japan, China, Singapore, Thailand, Malaysia, at Indonesia.
Kabilang sa halaga ang undeclared 80 million Korean won (tinatayang PP3.3 million) mula sa dalawang South Korean nationals na naaresto sa joint inspection.
Sa ilalim ng Manual of Regulations on Foreign Exchange Transactions mg BSP, “any person who brings into or takes out of the Philippines foreign currency, in excess of US$10,000 or its equivalent in other foreign currencies is required to declare the whole amount brought into or taken out of the Philippines using the Currencies Declaration Form (e-CDF).”
Ang operasyon ay nakaayon sa Executive Order 33, series of 2023 at Office of the President Memorandum Circular No. 37, series of 2023 adopting the 2023-2027 National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing, Counter Proliferation Financing Strategy (NACS)
(PNA)