LUSOT na sa House Committee on Overseas Workers Affairs ang substitute bill ng Magna Carta of Filipino Seafarers na layong isulong ang karapatan at kapakanan ng Filipino seafarers.
Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill, masisiguro ang proteksiyon ng mga seafarer tulad ng proper work condition, pantay at patas na employment terms at sapat na career opportunity.
Bukod dito, isinusulong din ang mga nararapat na benepisyo at pagsunod sa pagpapatupad ng standards ng Maritime Labour Convention of 2006.
Kasabay ng pag-apruba sa panukala ay tiniyak ng Department of Foreign Affairs na patuloy ang kanilang ugnayan sa mga bansang Japan, China at South Korea gayundin sa United Ara Emirates para sa search and rescue operation ng mga Filipinong tripulante sakay ng Gulf Live-stock 1 cargo.
Matatandaan na lumubog ang naturang cargo ship sa karagatan ng Japan kung saan sakay nito ang tatlumpu’t siyam na Filipino seafarer.
Nakahanda naman ang Overseas Workers Welfare Adminsitration (OWWA) para tulungan ang mga naiwang pamilya ng mga seafarer kabilang na rito ang death at burial benefits, livelihood benefits, financial assistance at scholarship hanggang kolehiyo para sa mga dependents. CONDE BATAC
Comments are closed.