MAGNAYE BAGONG DIRECTOR NG PNP HEALTH SERVICE UNIT

KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP) Spokesman, BGen. Ilbrandi Usana ang pagtatalaga ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas kay dating Special Action Force (SAF) Deputy Director BGen. Luisito Magnaye bilang bagong director ng Health Service unit.

Pinalitan ni Magnaye si BGen. Nolasco Bathan na nagretiro na nitong Enero 28 makaraang marating ang mandatory age of retirement na 56.

Si Magnaye na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Sambisig Class of 1991 ay mistah ni NCRPO Chief, Maj. Gen. Vicente Danao Jr.

Ayon kay Usana ang unang direktiba ni Sinas kay Magnaye ay ituloy ang mga programang ginagawa ng HS para sa kapakanan ng mahigit 220,000 strong men and women sa PNP lalo ang promosyon sa kalusugan.

Kasama rin sa direktiba ni Sinas sa bagong HS director ang paglaban sa COVID-19 gayundin ang mahigpit na koordinasyon sa pinuno ng Joint Task Force Covid Shield na pinamunuan ni Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, ang Deputy Chief for Operations gayundin sa commander ng Administrative Support to Covid-19 Operations Task Force (ASCOTF) Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Administration.

Sinabi rin ni Usana na mataas ang kompiyansa ni Sinas kay Magnaye na lalo pang maisasaayos ang operasyon ng Health Service ng PNP. EUNICE CELARIO

Comments are closed.