MAGNETIC LIFTER NA KARGADO NG  SHABU NATAGPUAN

PDEA Director Aaron Aquino

CAVITE – INIUTOS ngayon ang malaliman na imbestigasyon sa apat na “magnetic lifter” na natagpuan kahapon sa lalawigang ito  na kahalintulad ng lifter na nadiskubreng naglalaman ng P4.3 billion halaga ng shabu.

Tinatayang aabot umano sa P7 billion ang halaga ng shabu na maaring itinago at inilagay sa apat na magnetic lifters.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mas pinaigting nila ang  pangangalap ng impormasyon ukol sa hinihinalang isang toneladang shabu na naipuslit sa Manila International Container Terminal (MICT).

Nabatid na bakante na umano ang mga lalagyan at wala na ang mga hinihinalang pakete ng shabu nang matagpuan ang lifters sa isang bodega sa F. Reyes, General Mariano Alvarez, Cavite kahapon.

Hinala ng PDEA, konektado ito sa dalawang magnetic lifters na natuklasan noong Agosto 7 sa MICT na naglalaman ng kilo-kilong shabu na nagkakahalaga naman ng P4.3 billion.

Kaugnay nito mahigpit na pinaiimbestigahan ang consignee sa naturang shipment at ang mga tauhan ng BoC na nagpalusot ng kargamento sa piyer.    VERLIN RUIZ

Comments are closed.