Magkaibigan sina Alicia Vergel, ina ni Ace Vergel at Gloria Romero kaya nang magpakasal ang una kay Cesar Ramirez at nagkaroon ng anak — si Ace nga — ay naging ninang nito si Gloria.
Ayon kay Beverly Vergel, nakababatang kapatid ni Ace, “Kuya ACE always had that serious look even when we played cops and robbers, and ran around the house. Maybe that image was why he was a perfect fit for the action star mold. “
Mga anak ng sikat na artista kaya lumaki ang magkapatid sa showbiz household na may weekly parties, mahjong sessions, get-togethers at kung anu-ano pa. Mahilig raw sa parties ang kanilang ina pero hindi si Ace. Mas gusto nitong magmukmok sa kwarto o magbasa.
Ace York Caesar Asturias Aguilar ang tunay niyang pangalan at isinilang noong November 20, 1954 ngunit sumakabilang buhay noong December 15, 2007. Mas kilala siya sa stage name na Ace Vergel, “The Original Bad Boy of Philippine Movies”. Mga sikat na artista ang kanyang mga magulang noong 1950s, kasabayin ni Gloria Romero.
Nag-aral si Ace ng Business Management and Public Relations sa Ateneo de Manila University noong 1975, at nagpakasal kay Maya dela Cuesta. May anak silang pinangalanang Alejandro King dela Cuesta Aguilar. Aguilar ang tunay na apelyido ni Cesar Ramirez.
Tatlong taon pa lamang ay lumalabas na sa pelikula si Ace kaya masasabing siya ay “Child of Cinema.” Ang kanyang screen debut ay “Taong Putik” kung saan bida ang kanyang ina. Ang una naman niyang full-length movie ay noong limang taon siya na ang ginamit na pangalan ay Ace York, noong 1959. Gumanap siyang kaibigan ng higanteng ibon sa pelikulang Anak ng Bulkan, na ang bida asy sina Fernando Poe Jr at Edna Luna.
Sa edad na pitong taon, pinahinto si Ace sa pag-arte dahil kailangan niyang mag-aral. Muli siyang bumalik noong 1969 sa edad na 15 kapartner ni Nora aunor sa musical movie na “Nineteeners” pero hindi sila nag-click kaya nagpahinga uli siya at nagpatuloy sa pag-aaral.
Naispatan siya ni Lino Brocka noong 1977 at gumanap sa pelikulang “Inay” na ang bida ay mismong ang kanyang inang si Alicia. Sumunod ang kanyang launching vehicle bilang action star sa pelikulang Noel San Miguel (Batang City Jail) noong 1978. The movie gained positive reviews and made it to the box office.
Si Vergel ang kauna-unahang movie star na lumabas sa miniseries. “Malayo Pa Ang Umaga” ang kauna-unahang miniseries sa Philippine TV na base sa first Filipino novel in English na “Without Seeing the Dawn“ ni Stevan Javellana. Inilabas ito sa Channel 9 at nagtagal hanggang summer of 1979. Si Rey Valera ang nag-compose ng theme song.
Noong 1983, naging signature film niya ang classic movie na “Pieta.” At nagsimula na ang kanyang kasikatan.
Limang beses siyang na-nominate sa FAMAS at nanalo ng best actor sa Gawad Urian at PMPC noong 1989.
Nanatili siya sa movie industry hanggang kanyang kamatayan kahit pa nangf masangkot siya sa kontrobersya ng droga noong 2007.
Ang kanya namang ninang na si Gloria Romero ay Gloria Galla talaga ang tunay na pangalan. Isinilang siya noong 1933 sa Denver Colorado. Filipino ang kanyang ama, si Pedro Galla, at American ang kanyang ina, si Mary Borrego — pero sa Pilipinas siya nag-aral at sa Pangasinan siya lumaki. Naging asawa niya si Juancho Gutierrez at naging anak nila si Maritess Gutierrez.
Nagsimula siyang extra sa Sampaguita Pictures dahil tiyuhin niya si Nario Rosales na Chief editor ng Sampaguita Studios, ngunit napansin noong 1951 ang tafglay na malabirheng ganda. Wala raw dating ang Gloria Galla kaya ginawang Gloria Romero. Maraming ulit niyang nakasama sa pelikula ang nooy mga sikat na artistang sina Alicia Vergel at Cesar Ramirez kaya naging kaibigan niya ang mga ito, at nang magkaanak nga ay ginawa pa siyang ninang.
Mahusay na artista si Gloria. Katunayan, 1954 pa lamang ay best actress na siya sa FAMAS sa pelikulang Dalagang Ilocana na si Dolphy ang kanyang kapartner. Halos lahat ng mga nauna niyang pelikula ay comedy ngunit lumipat siya sa drama noong 1960s.
Ang mga awards ni Gloria ay FAMAS Best Actress award sa Dalagang Ilocana (1954), Best Supporting Actress for Nagbabagang Luha (1988) at Best Actress sa Tanging Yaman (2000). Best Supporting Actress sa Film Academy of the Philippines (FAP) sa Saan Nagtatago ang Pag-Ibig? (1987), at sa FAP uli, Best Actress sa Tanging Yaman (2000). At marami pang iba.
Siya lamang ang buhay na Filipino actress na pwedeng magsabing naging queen siya noong 1950s at nanatiling sikat na sikat hanggang sa kasalukuyan kahit bihira na siyang lumabas dahil sa katandaan. At mind you, siya lamang ang kaisa-isang aktress na nanalo ng Best Actress award sa pelikulang comedy. Yan ang ninang ni Ace Vergel.
Kaye VN Martin