PANGASINAN- Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Pangasinan.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagyanig sa layong 73 kilometers northwest ng bayan ng Agno, 8:12 ng umaga ng Linggo, Dec. 26.
May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito nagdulot ng pinsala at aftershocks.