(Magnitude 5.8 naitala) BATANGAS MULING NILINDOL

MULING niyanig ng magnitude 5.8 earthquake ang bayan ng Calatagan sa Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang lindol sa Calatagan dakong alas-11:08 nitong Biyernes ng gabi.

Sa pag aaral ng PHILVOCS ito ay aftershock ng magnitude 6.6 earthquake na tumama sa Calatagan noong Hulyo 24.

Sinabi pa ng PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay may lalim na 113 kilometers at tecto­nic ang origin ng pag-uga.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro habang intensity 2 naman ang naitala sa Pasig City, Parañaque City,Caloocan City, Mandaluyong City, Valenzuela City, Quezon City, Tanza, Cavite at Obando, Bulacan. VERLIN RUIZ

125 thoughts on “(Magnitude 5.8 naitala) BATANGAS MULING NILINDOL”

Comments are closed.