MAGNOLIA SA FINALS; SMB HUMIRIT NG ‘DO OR DIE’

SUMANDAL ang San Miguel Beer sa matikas na simula upang gapiin ang TNT Tropang Giga, 103-90, sa Game 6 at maipuwersa ang ‘rubber match’ sa PBA Philippine Cup semifinals, Biyernes sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nadominahan ni big man Mo Tautuaa ang paint sa pagkamada ng 24 points at 5  rebounds habang nag-ambag si Marcio Lassiter ng 19 markers, kabilang ang 5 triples, 5 rebounds, 3 assists, at 4 steals.

Nagdagdag sina Arwind Santos at June Mar Fajardo ng 13 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

Maagang nag-init ang Beermen makaraang maitarak ang 53-38 halftime lead mula sa pitong triples at na-outrebound din ang TNT, 30-20.

Sa pitong three-pointers, apat ang isinalpak ni Lassiter upang makalikom ng 14 points  sa break para sa Beermen, na nalimitahan ng depensa ang TNT starters sa pinagsamang 11 points  lamang sa unang dalawang quarters.

Pinalobo ng Beermen ang kalamangan sa 24, 86-62, sa pagtatapos ng third quarter.

Sa fourth quarter ay tinapyas ng Tropang Giga ang bentahe ng SMB sa 10 nang bumanat ng 26-12 run, 88-98, tampok ang three-point play ni RR Pogoy.

Subalit iyon na lamang ang kanilang pinakamagandang nagawa dahil nalimitahan sila ng Beermen para selyuhan ang panalo.

Nanguna para sa TNT sina veterans Ryan Reyes at Jayson Castro, na tumipa ng tig-16 points mula sa bench.

“Experience is number one. In this kind of situation, we know what to do and we know how to lose and win the game,” sabi ni SMB head coach Leo Austria na sa palagay niya ay bentahe ng kanyang koponan kontra TNT na nagresulta sa kanilang panalo sa Game 6.

“We know that this is a do-or-die for us and luckily, we had a good start and we’re able to sustain our energy.”

Nakatakda ang sudden-death sa Linggo, Oktubre 17.

Samantala, nalusutan ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang mabagal na simula upang malusutan ang Meralco, 93-85, at umabante sa finals.

Makapagpapahinga nang husto ang Hotshots habang hinihintay ang magwawagi sa pagitan ng San Miguel Beer at TNT. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro

SMB (103) – Tautuaa 24, Lassiter 19, Romeo 16, Santos 13, Fajardo 11, Cabagnot 9, Perez 8, Ross 3, Pessumal 0, Zamar 0, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

TNT (90) – Reyes 16, Castro 16, Erram 11, Rosario 10, M. Williams 9, Heruela 9, Montalbo 6, Pogoy 6, K. Williams 5, Khobuntin 2, Exciminiano 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0, Mendoza 0.

QS: 27-21, 53-38, 86-62, 103-90

Ikalawang laro

Magnolia (93) –  Sangalang 19, Barroca 16, Dela Rosa 16, Jalalon 11, Abueva 11, Melton 6, Reavis 6, Corpuz 4, Lee 4, Brill 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0, Dionisio 0.

Meralco (85) – Almazan 16, Newsome 14, Maliksi 13, Pinto 10, Hodge 9, Caram 7, Quinto 7, Hugnatan 6, Belo 3, Black 0, Jackson 0, Jose 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

QS:  20-27, 44-40, 72-68, 93-85.

11 thoughts on “MAGNOLIA SA FINALS; SMB HUMIRIT NG ‘DO OR DIE’”

  1. I was lucky enough to stumble upon this site while surfing the internet and found something very interesting there. I really enjoy reading it. I enjoyed it a lot. Thanks for sharing this wonderful information 먹튀검증

  2. I always find and read your articles. I think you are really trying to share your knowledge and thoughts. I understand how hard it can be to write a blog post. I want to applaud your efforts. I’d love to see your article. I will bookmark it. Thank you. https://totoilmi.com/

  3. 432391 985411I discovered your blog internet site internet site on google and appearance some of your early posts. Preserve up the wonderful operate. I just extra increase Feed to my MSN News Reader. Searching for toward reading far a lot more by you later on! 107882

  4. 518751 440325You wouldnt feel it but Ive wasted all day digging for some articles about this. You might be a lifesaver, it was an superb read and has helped me out to no end. Cheers! 416915

Comments are closed.