MAGPALIWANAG KUNG BAKIT INOOBLIGA ANG PAGSUSUOT NG FACE SHIELD

Koko Pimentel

DAPAT ipaliwanag nang maigi ng gobyerno sa publiko kung bakit nila inoobliga ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng lugar.

Sinabi ni Senador Koko Pimentel, sa buong mundo ang Filipinas lang ang nag-oobliga sa paggamit ng sabay sa face shield at face mask bilang proteksiyon sa COVID-19.

Giit ni Pimentel, hindi na dapat gumamit ng face shield sa labas kung saan mainit at mahangin at maari nang ma-disable ang virus.

Dahil dito kaya mas mabuting ang mga health experts umano na nagpayo sa gobyerno ng paggamit nito ang siyang magpaliwanag sa publiko dahil baka may alam ang mga ekspertong ito na hindi alam ng ibang bansa.

Umaasa ang senador na hindi madagdag ang obligadong pagsusuot ng face shield  sa mga requirement para may maparusahan sa gitna ng pandemya.

Para naman kay Senador Ping Lacson, anuman ang dahilan kung bakit FIlipinas lang ang nagsusuot ng face shield, ang tanong ay kung mas mabuti ba ang COVID-19 situation dito kaysa sa ibang bansa.

Kung ikukumpara aniya  marami ang nagkasakit at namatay sa COVID-19 virus sa Filipinas kumpara sa ibang bansa. LIZA SORIANO

425 thoughts on “MAGPALIWANAG KUNG BAKIT INOOBLIGA ANG PAGSUSUOT NG FACE SHIELD”

  1. Pingback: 1computing

Leave a Reply

Your email address will not be published.