IPINAGBABAWAL ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko ang magpalipad ng saranggola at mga drone malapit sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makaiwas sa anumang hindi kaaya-ayang insidente.
Ang babalang ito ng MIAA ay matapos maaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na araw ang ilang personalidad na nagpapalipad ng saranggola sa NAIA runway sa Paranaque City.
Mapanganib ang pagpapalipad ng saranggola sa lugar para sa mga paparating at papaalis na eroplano.
Samantala, makikipag-ugnayan ang opisina ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga opisyal ng Barangay San Dionisio, na siyang nakakasakop sa runway 06, upang magpasa ng ordinansa ang barangay para sa pagbabawal.
Babala ni MIAA General Manager Ed Monreal ipaaaresto niya ang mga kite fliers. FROI MORALLOS
Comments are closed.