INAASAHANG mas sisigla ang kalakalan at komersyo sa Kalakhang Maynila sa pagbungad ngayong 2022 ng Binondo-Intramuros Bridge na donasyon ng China.
“China-donated Binondo-Intramuros Bridge is well on its way to completion,” ani Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian sa pagsalubong ng bagong taon.
“Standing high and well-fortified, the China-donated Binondo-Intramuros (BI) Bridge is under high-speed construction. Delighted that this flagship infrastructure project under the Build, Build, Build expects its opening for public use hopefully very soon,” dagdag pa ni Ambassador Huang Xilian.
Inaasahang mas mapapabilis ng nasabing tulay ang travel time sa pagitan ng dalawang commercial district ng Binondo at Intramuros at mabibiyayaan nito ang may 30,000 sasakyan araw araw.
Hindi lamang umano mapapaluwag ng husto ng Binondo-Intramuros Bridge ang trapiko sa Maynila gaya ng Estrella-Pantaleon Bridge, na isa ring China-donated Bridge na nagdudugtong sa Makati at Mandaluyong.
Ang nasabing tulay ay dinisenyo para maging ‘sustainable and pedestrian-friendly’.
Nilagayan din ang nasabing tulay ng malapad na walkway, bike lane at dalawang viewing decks by the river para mahikayat ang mga tao na ikonsidera ang alternative transportation habang pinagmamasda ang scenic route ng Manila.
Istratehiko rin ang lokasyon ng nasabing tulay na nasa pusod mismo kapitolyo ng Pilipinas na ang arch bridge design ay naglalarawan din ng friendly cooperation sa pagitan ng China at Pilipinas.
“And with the year 2021 closing and another year beginning, the world-class bridge reflects our strong connection and solid ties. I am not only looking forward to the bridge’s coming inauguration but also for the many more avenues of friendship and cooperation this 2022,” ani Amb Huang Xilian. VERLIN RUIZ