BENGUET- BINAWIAN ng buhay ang mag-pinsan na pawang menor de edad makaraang malunog habang naliligo sa ilog ng Barangay Taboc sa lalawigang ito.
Batay sa report ng pulisya ang mga biktima na hindi binanggit ang mga pangalan ay isang 12 anyos na lalaki at 9 taong gulang na babae na residente ng Kibungan, Benguet.
Base sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, kasalukuyang lumalangoy ang mga biktima nang biglang lumakas ang agos ng tubig sa dalampasigan at tinangay ang mga ito.
Agad namang nasagip ang biktimang lalaki at isinugod sa Bacnotan District Hospital subalit idineklara itong dead on arrival.
Habang patuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operations para sa nawawala pang biktima. EVELYN GARCIA