WALANG itulak-kabigin sa ganda nina Heart Evangelista at Jodi Sta. Maria. Kai naman pala, magpinsan sila – kaya parehong maganda. Sabi ni Heart, second cousins pala sila ni Jodi sa ina.
Hindi raw niya alam ito noong una pero sinabi ito sa kanya ng kanyang inang si Cecilia Ongpauco.
Buti na lang daw at okay naman ang relasyon nila bilang magkatrabaho. Super nice daw si Jodi kay Heart kahit hindi nila alam na magkadugo sila. At isa pa, napakahusay raw na aktres ni Josi kaya proud siyang maging pinsan nito.
Nang sabihin naming pareho silang Maganda, napangiti lang si Heart at sinabing “It must run in the genes.” NLVN