MAGPIPIRATA SA MGA PELIKULA BINALAAN NG MMDA

Celine Pialago

NAGBABALA  ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga magpipirata sa mga pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sinabi ni MMDA Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago na mayroon ng listahan ang MMDA kung sino ang mga nagpipirata ng mga pelikula.

Kaya nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang mas maging madali ang pagdakip sa mga ito.

Mayroong paraan ang MMDA upang ma-trace ang mga magse-share ng mga pelikula mula sa MMFF nang walang pahintulot.

Nanawagan naman ni Pialago sa publiko na i-report sa mga awtoridad ang sinumang ilegal na nagbebenta ng mga pelikula nakasama sa MMFF ngayong taon.

Mayroon pang isang linggo ang publiko para mapanood ang lahat ng mga pelikula na kasali sa MMFF 2020. BEN REYES

Comments are closed.