(Magsagawa ng medical mission sa aircraft carrier) ITALIAN CARRIER STRIKE GROUP BIBISITA SA PINAS

NAKATAKDANG maglalayag ang Italian carrier strike group matapos ang una nitong deployment sa Indo-Pacific region sa South China Sea patungo sa Pilipinas matapos lumahok sa nagaganap na Pitch Black war exercise sa Australia kasama ang US at iba pang allied countries.

Kinumpirma ni Italian Navy Rear Admiral Giancarlo Ciappina na plano nilang dumaan sa Pilipinas pagkatapos ng kanilang Pitch Black mission.

Ang Italian aircraft carrier Cavour ay nasa Darwin sa Australia upang makibahagi sa Exercise Pitch Black ngayong linggo, kung saan isinali ng Italy ang halos dalawang dosenang fighter jets sa 20-nation drills, na hinost ng Australia.

Plano umano ng Cavour na magsagawa ng humanitarian work habang nasa Pilipinas .

Ani Ciappina, magsasagawa sila ng surgery sa mga kabataan sa loob ng kanilang ship’s hospital habang nakadaong sa Manila.

“An aircraft carrier – just being present somewhere, it has an effect, it can influence. ” It is a very powerful tool,” ani Ciappina kasunod ng pahayag na hindi nila balak na magsagawa ng freedom of navigation operations.

Ito ay sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng China at ilang karatig-bansa sa pinagtatalunang South China Sea region.

Nabatid pa na halos 40% ng foreign trade ng Europa ay dumadaan sa South China Sea, kung saan nagsagawa ang United States, Japan, Australia at iba pang bansa ng joint maritime exercises.

“Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng strategic waterway…Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang isang aircraft carrier sa pagsasanay,” ayon kay Italian Navy Rear Admiral Giancarlo Ciappina.

“Pitch Black gives us a chance to work with the main F-35 communities, shoulder to shoulder,” pahayag ni Captain Dario Castelli, carrier air wing commander ng strike group.

Pagkatapos ng pagsasanay sa Agosto 2, bibiyahe ang 1,200-person strong Italian carrier strike group sa US Pacific territory ng Guam at Japan, bago dadaan sa South China Sea patungo sa Pilipinas sa unang pagkakataon.
VERLIN RUIZ