ISANTABI na muna ang pulitika at magsakripisyo ngayong pandemya para sa taumbayan.
Ito ang panawagan ni House Appropriations Chairman at ACT-CIS Cong. Eric Yap sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso matapos ang napabalitang plano na House coup de etat laban kay Speaker Allan Peter Cayetano.
Umugong din ang balitang masama ang loob ng ilang mambabatas dahil binawasan ang budget sa kanilang distrito.
“Sana maintindihan ng mga kasama natin dito sa Kongreso na may krisis tayo ngayon at kailangan mag-sakripisyo dahil priority ang pagbili ng bakuna laban sa Covid kapag ito ay lumabas na,” ayon kay Yap.
Dagdag pa ni Yap, “mag-focus na lang sa pagbalangkas ng mga batas kung papaano makakarekober ang lahat matapos itong pandemya”.
Nauna nang sinabi ni Yap na inaasahan nila ang budget deficit sa susunod na taon dahil tiyak hindi makakalap ng gobyerno ang buwis na target nito ngayong taon dahil sa pandemya. PMRT
Comments are closed.