NUEVA ECIJA – NADAKIP na ng awtoridad ang magsasaka na responsable sa panghahalay ng pitong taong gulang na batang babae sa Brgy. Sto. Tomas sa Lungsod ng San Jose.
Sa report ni Lt. Col. Heryl Bruno kay PNP Regional Director, BGen. Rhodel Sermonia, kinilala ang suspek na si Jhonny Caronan, 50-anyos, ng Zone 11 sa nabanggit na barangay.
Bandang alas-8 ng gabi noong Disyembre 31, 2019 dinala ng suspek ang biktima sa kanyang kubo sa gitna ng bukid bago hinalay.
Nabatid na bangag sa alak ang suspek ng molestiyahin ang batang anak ng kapitbahay.
Samantala, nasa kustodiya na ng San Jose City Jail habang inihahanda ang kasong rape in relation to RA 7610. THONY ARCENAL