MAGSASAKA NASABUGAN NG BOMBA

MAGSASAKA-6

MAGUINDANAO- NASA malubhang kalagayan ngayon ang isang magsasaka nang masabugan ng bomba sa bayan ng Ampatuan.

Sa ulat ng Ampatuan Municipal Police Station, kritikal na nasugatan ang biktimang si Ricky Kulintang Biang, 44-anyos, may asawa at residente ng Purok 2, Brgy. Saniag, Ampatuan.

Base sa imbestigasyon,  maghahatid lamang sana ng pagkain ang biktima sa kanyang pamilya sa kanilang sinasakang lupa nang biglang masabugan ng hindi pa mabatid na uri ng pampasabog.

Nagtamo ng mara­ming sugat ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan kaya mabilis na itinakbo ng kanyang mga kamag-anak sa Maguindanao Provincial Hospital.

Kasalukuyang ina­alam pa ng mga imbestigador ng Ampatuan-PNP ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa naturang pangyayari. VERLIN RUIZ

Comments are closed.