UMABOT sa 42 na mga negosyanteng lokal at ilang magsasaka sa probinsiya ng Laoag ang nagtipon sa Dap-ayan Center kamakailan para sa 11-araw na trade fair na nagpapakita ng magagandang produkto ng probinsiya.
Inorganisa ng provincial government ng Ilocos Norte, ang “Tienda ni Gob” trade fair ay patuloy na umaakit ng mga lokal na negosyante at asosasyon ng mga magsasaka para magbenta ng kanilang produkto sa downtown ng Laoag.
Itinaon sa pagbubukas ng Laoag Pamulinawen festival noong Friday, ang venue ng trade fair ngayong taon ay mas madaling mapuntahan ng mga mamimili dahil ito ay nasa magandang lokasyon sa gitna ng siyudad o nasa tapat lamang ng Ilocos Norte Capitol building.
Bukod sa dating processed food products, tulad ng bagnet at longganisa, abel hand-woven cloth at wood furniture, mga produktong kilala sa probinsiya, nagpakita rin ang organized associations of farmers ng kanilang kakaibang produkto at livestock.
Sumali rin ang ilang micro, small at medium entrepreneurs, kasama ang online shops sa trade exhibit, na magtatapos sa Pebrero 11. Ang exhibit ay tatakbo mula 9 a.m. hanggang 7 p.m. araw-araw.
Nagpapasalamat si Edita Dacuycuy, president of the Ilocos Norte MSMEs na kagagaling sa United States mainland para magtaguyod ng kanyang bagong produkto ng dragon fruit, tulad ng dragon fruit energy tea at coffee drinks, sa gobyerno ng Ilocos Norte dahil sa pagkakaroon ng kakaibang trade fair na nagpapakita ng iba’t ibang produkto at serbisyo ng mga Ilocano.
“We are so blessed for the all-out support of our governor and other government agencies for they are one with us in this endeavor. Here is also our way to share our products we are so much proud of,” ani Dacuycuy, isang multi-awarded farmer-scientist-entrepreneur na nagsimula ng pagtatayo ng unang science and technology-based dragon fruit plantation sa Barangay Paayas, Burgos, Ilocos Norte.
Sumali rin ang online seller ng Ella’s fashion and beauty shop sa trade fair ngayong taon para magtaguyod ng kanyang produkto at makakuha pa ng mas maraming customer.
Natuwa rin ang ibang local producers ng native Ilocano delicacies, tulad ng dudol at tupig, dahil ang kanilang produkto ay naging bestsellers.
Dagdag pa sa kasiyahan at excitement sa kanilang gawain ay ang paggagawad ng mga nanalo para sa “best-dressed booth”, best in visual merchandise, at top 3 sellers para makaengganyo ng mas maraming presentasyon ng mga lokal na produkto. PNA
Comments are closed.