ISABELA- NANGAKO ang pamahalaang panlalawigan ito na makatatanggap ng tamang ayuda sa Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka ng mais na naapektuhan ng tagtuyot.
Ayon kay Isabela Governor Rodito Albano, nakausap niya si Agriculture Secretary William Dar kaugnay sa ayuda para sa mga magsasaka bukod pa ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga trader mula sa Norte na maaring pagbentahan ng mga inaaning mais ng mga magsasaka.
Nabatid na walang kooperatiba ang mga magsasaka ng mais kumpara sa mga magsasaka ng palay na mayroong super coop na makatutulong sa papapataas ng presyo ng kanilang mga ani.
Gayunpaman, pinag-aaralan ng DA ang paglalaan ng pondo para sa mga nagtatanim ng mais dahil hindi naman ito maaaring bilhin ng pamahalaang para ipamigay sa mga tao hindi tulad ng bigas.
Kasabay ng kahilingan ng mga magsasaka ng mais sa pantawid pamasahe, namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng mga mini dump truck sa mga malalayong barangay upang magamit ng corn farmers sa paghahatid ng kanilang mga ani. IRENE GONZALES
Comments are closed.