MAGSASAKA NG SURIGAO DEL SUR TATANGGAP NG LAND TITLES MULA SA DAR

SURIGAO DEL SUR

NAKATAKDANG mamahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) 13 (Caraga) ng certificates of land ownership awards (CLOAs) sa mga magsasaka sa probinsiya ng Surigao del Sur sa susunod na linggo.

Inihayag ni DAR-13 Director Leomides R. Villareal sa isang panayam kamakailan na ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa ngayong araw ng Lunes, Dis­yembre 9 ay “bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DAR-Caraga para makawala ang mga magsasaka sa pagkakatali sa kawalan na lupa at kahirapan.”

Nasa total na 336 magsasaka mula sa ba­yan ng Tagbina ang tatanggap ng kani-kanilang individual CLOAs sa pagdaraos ng pamamahagi, ayon kay Villareal.

Sakop ng CLOAs ang 11 bayan ng Tagbina na may total area ng 576.6793 ektarya, sabi niya.

“Ownership of the land they till is very important for the farmers,” dagdag pa niya.

Banggit pa ni Villareal na ang productivity at kita ng mga magsasaka at apektado kapag wala silang kontrol sa sa mga lupang kanilang sinasaka.

“They cannot decide how to improve their production to augment their income because the land is not owned by them,” sabi niya.

Sa kanilang pag-aari sa pamamagitan ng CLOA, ang mga magsasaka ay magkakaroon ng seguridad sa mga lupang pag-aari nila at puwede nilang pagyamanin sa tulong at suporta ng programa ng DAR at iba pang government line agencies, sabi ni Villareal.

Dagdag pa niya na ang DAR ay hindi lamang nagbibigay ng titulo ng lupa sa mga magsasaka kundi nagpapatupad ng programang suporta, proyekto ang serbisyo para makapagbigay sa mga magsasaka sa pagpayaman ng kanilang landholdings.

“Agrarian Reform Beneficiaries or ARBs are formed into ARBOs or Agrarian Reform Beneficiaries Organizations. It is through these organizations that support programs and services of DAR are coursed through,”  sabi ni Villareal.

Noong nakaraang Setyembre, apat na kooperatiba ng ARBOs sa Surigao del Sur ang binigyan ng common service facilities na nagkakahalag ng PHP1.3 million ng  DAR, sa pamamagitan ng Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS).

Kasama sa pasilidad ang apat na  coffee dehullers at isang coffee roaster, ani  Villareal, dagdag na ang DAR ay nagbibigay rin ng suportang  infrastructure sa kanilang beneficiaries, tulad ng construction ng farm-to-market roads.

Noong nagdaang Oktubre, iniabot ng DAR-13 ang 4.1-km. road sa mga magsasaka ng Barangay Concepcion sa Sta. Josefa, Agusan del Sur.

Pinangunahan ni DAR Secretary John Castriciones ang turnover ng proyekto na nagkakahalaga ng PHP24.8 million na pinakinaba­ngan ng ilang 805 ARBs sa lugar.

Pinuri rin ni Villareal ang Provincial Agrarian Reform Officer na si Leoncio Bautista ng Surigao del Sur; Chief Agrarian Reform Program Officer Jorge Quijada; at Tagbina Municipal Agrarian Reform Officer Joy Malabanan para sa nakaiskedyul na distirbusyon ng CLOA.  PNA