MAGSASAKA SA BENGUET AT MOUNTAIN PROVINCE NALULUGI NA

benguet farmers

INIHAYAG ng mga magsasaka sa Benguet at Mountain Province na nalulugi na sila dahil sa pagkasira ng kanilang mga pananim na resulta ng andap o frost.

Ayon sa isang panayam sa mga magsasaka sa Mountain Province, malaki ang epekto ng frost sa kanilang mga pananim lalo na sa repolyo at patatas.

Ang mga aanihin daw kasi sanang first class na repolyo ay magiging second o third class na lamang habang ang iba nilang pananim gaya ng patatas ay tuluyan nang sinira ng frost.

Sinabi ng isa pang magsasaka mula sa Mountain Province na aabot sa mahigit P40,000 ang kanyang lugi dahil sa pagkasira ng kanyang pananim dahi sa andap.

Nakalulungkot ani­ya na wala man lang kapalit ang kanyang pagod sa pagtatanim at hindi na maibabalik ang ginastos sa pagbili ng materyales at punla.

Inihayag naman ng mga magsasaka sa Madaymen, Kibungan at Paoay, Atok, Benguet na matindi rin ang epekto ng frost sa ka-nilang mga pananim lalo na at tuwing umaga ay nababalutan ng andap o manipis na yelo ang kanilang mga pananim

Kilala ang Mountain Province at Benguet bilang pangunahing pinanggagalingan ng mga highland vege-tables na ibinebenta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.