NASISIYAHAN ang may 90 pamilya sa isang komunidad ng mga magsasaka sa probinsiya ng Zamboanga del Sur dahil sa nanatiling maayos ang suplay ng ligtas na inuming tubig sa kanilang lugar sa pamamagitan ng tulong ng isang mining firm.
Nasa Barangay Depore, Bayog, Zamboanga del Sur, ang komunidad ay walang direktang daan para sa basic drinking water sa loob ng nagdaang 24 na ton hanggang sa makumpleto ang water system project funded by TVI Resource Development Philippines, Inc. (TVIRD).
Ang TVIRD ay isang mining firm at kasalukuyang nagpapatakbo ng Agata Nickel Project in Agusan del Norte. Kasalukuyang itong may final mine rehabilitation para sa kanilang ginto at copper project sa Zamboanga del Norte.
Sinabi ni Lope Dizon, TVIRD community development officer, na ang water system ay may kapasidad na mag-supply ng 22,000 liters ng tubig araw-araw.
“The spring water is channeled from a reservoir, which ensures enough water supply,” pahayag ni Dizon sa isang panayam.
Sinabi niya na ang proyekto na kasama sa installation ng transmission pipe mula sa main water reservoir, na mahigit isang kilometro ang layo, patungo sa bagong gawang distribution pipeline ang nagsisilbi sa mga residente.
Nagpahayag ng pasasalamat si Segundino dela Peña Jr., ng komunidad ng mga magsasaka, para sa pagpapagawa ng water system, sabay sabi na hindi na kailangang magtiis ang mga residente ng maglakad ng higit sa isang kilometro para makakuha ng tubig.
Bago dinala ng TVIRD sa kanilang Balabag Gold at Silver Project on-stream sa Barangay Depore, Bayog, ay nakapagbigay na ng basic social ser-vices sa kanilang host communities sa naturang lugar, lalo na sa pagtutok sa kakulangan sa tubig.
Ang Depore Community Water System ay isa sa mga inisyatibo ng TVIRD sa ilalim ng kanilang Community Development Projects (CDP), na isinasagawa sa pakikipagpartner sa municipal government. PNA
Comments are closed.