MAGSASAKA SASAKLOLOHAN VS LARGE-SCALE SMUGGLING SA AGRI PRODUCTS

ISABELA- UPANG bigyan ng morale support ang mga magsasaka na natatalo dahil dahil sa puslit na agricultural products, iimbestigahan ng Senado ang isyu ng large-scale smuggling sa mga produktong pang-agrikultura sa bansa.

Nakapanayam ng media sa Region 2 si Senate President Vicente Sotto III sa pamamagitan ng zoom conference kung saan binigyang diin nitong nababalewala ang mga ginagawang hakbang ng mga mambabata para tulungan ang mga magsasakang Pilipino dahil patuloy na namamayani ang smuggling at korapsyon.

Batay sa Bureau of Customs (BOC) mula May 2021 hanggang nitong November 18, nasa 25 anti-smuggling operations ang isinagawa ng ahensiya at tinatayang aabot sa P1 bilyon halaga ng smuggled na karne, gulay, isda at iba pang raw products ang nasabat.

Sinabi ng mambabatas na hindi tugma ang datos sa mga isinasampang kaso ng BOC.

Hinala nito na mukhang may korapsyon dito dahil kung hindi nakalusot o nahuli, ay posibleng hindi nasampahan ng kaso ang mga smuggler o kung nakasuhan man ay mas mababang kaso lang ang isinampa sa mga sangkot sa isyu. IRENE GONZALES