MAGSASAKA SINUWAG NG KALABAW

Sinuwag ng kalabaw

CAPIZ  – PATAY ang isang magsasaka matapos suwagin ng alagang kalabaw sa Barangay San Antonio, Tapaz.

Kinilala ang napatay na si Susen Famocol, 49-anyos, na nagtamo ng sugat sa tiyan at hita habang sugatan naman ang asawa na si Arlene Famocol, 41, na nagtamo ng sugat sa hita.

Napag-alaman na sinundo ng asawa ang kanyang mister sa kanilang sakahan ng masaksihan niya ang pagtakbo ng kalabaw sa direksiyon ng kanyang mister.

Sa kagustuhan na mapalayo sa disgrasya ang mister ay kaagad nitong kinuha ang lubid ngunit huli na dahil sinuwag na ang biktima ng alagang kalabaw.

Samantala, nang makita naman ng kalabaw ang presensiya ni Arlene ay pumunta ito sa kanyang direksiyon ngunit masuwerte na nakatakbo ang ginang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.